Nagta-tai chi kaba, o gusto mong matuto nang tai chi? Tuwing Linggo, sa parking lot sa likod ng Admin building, mula 7:30am hanggang 9:00am, makikita mo ang grupong Spring of Harmony Internal Arts Club na namumuno sa pagtuturo at pag-eensayo ng tai chi. Kung gusto mo, lapit ka, wag kang mahiya. Sumabay at magpaturo. Libre ang sesyon. Hanapin si Rudolph Petalver, Irene Chia o si Tonton.